Sinimulan na ng Department of Education ang pagsasagawa ng mga test sa mga public school teachers, para matiyak ang kanilang kahandaan sa pag-adopt ng bagong curriculum sa ilalim ng K-to-12 program.
Sa bisa ng DepEd Memorandum number 163 series of 2017, sumasailalim sa test of English proficiency for teachers o TEPT at Process skills test o PST sa Science at Math ang lahat ng grade 9 at 10 public school teachers, tuwing Sabado at Linggo ng Oktubre hanggang Disyembre 2017. Hindi naman na kailangan pang kumuha ng mga exam na ito ang mga gurong nagtuturo ngayon sa grades 9 at 10, pero nakakuha na ng TEPT para sa Grades 7 at 8. Magsisilbing Chief Examiner para sa TEPT-PST ang mga Division Testing Coordinators, habang ang mga Education Program Supervisors at Secondary School Principals naman ang magsisilbing mga room examiner. Una nang sinabi ng DepEd, na ang magiging resulta ng TEPT at PST ang magiging basehan sa kung anong klase ng training ang ipapatupad ng ahensya, para maihanda ang mga guro sa bagong kurikulum. (Nimfa Asuncion) #RadyoPilipinas738 #RP1 #radyopilipinas1
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |