RADYO PILIPINAS CAMARINES NORTE
  • Provincial News
  • National News
  • Live Broadcast
    • RP1
  • Weather
  • Multi Service Caravan Live Broadcast
Picture

Radyo Pilipinas
Camarines Norte


Pagbabalik ng mga IDP’s sa siyam na barangay sa Marawi, makukumpleto na bukas

11/2/2017

0 Comments

 
Picture
​Makukumpleto na bukas ang pagbabalik ng mga internaly displaced persons o IDP sa siyam na mga bgy sa Marawi.
Sa press conference dito sa Malacanang, sinabi ni OCD Assistant Secretary Kristoffer James Purisima na mayroon na ring tubig at kuryente sa siyam na babalikang bgy ng mga naapektuhan ng giyera sa lungsod.
Hindi pa naman mabatid sa ngayon ni Purisima kung ilan ang kabuuang idps ang makakabalik na bukas sa kani-kanilang mga lugar.
Kailangan kasi matiyak na ang babalik ay mga lehitimong residente kaya't kailangang magpatupad ng sistema gaya halimbawa ng pag-iisyu ng kailangang identification cards na pangungunahan ng mga nasa LGU.
Pero batay sa tala, aabot sa 6,462 ang nakarehistrong bilang ng mga residente mula sa siyam na barangay na kinabibilangan ng Brgy. Malutlut, Tampilong, Panggao Saduc, Datu Saber, Green, Morlataw Luksa Datu, Marawi Poblacion, East basak at Matampay. (Alvin Baltazar)
#RadyoPilipinas738 #RP1 #radyopilipinas1
0 Comments



Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    November 2017

    Categories

    All

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Provincial News
  • National News
  • Live Broadcast
    • RP1
  • Weather
  • Multi Service Caravan Live Broadcast