DAET CAMARINES NORTE (04 December 2017) Papangunahan ni Gov Egay Tallado ang grupo ng kapitolyo sa paghahatid ng mga libreng serbisyo mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa binansagan na APRUB KA EGAY SERBISYONG PUBLIKONG TUNAY sa tatlong pang mga barangay sa bayan ng Labo Camarines Norte.
Ang nasabing mga barangay ay kinabibilangan Kalamunding, Cabusay at Gumamela. Napag alaman na sa paghahatid ng ibat ibang libreng serbisyo sa mga residente ay may mga bisita galing sa LGU Iloilo ang mag oobserve para pag aralan kung ito ay maari rin umano nilang gayahin sa kanilang lugar. Ang APRUB KA EGAY SERBISYONG PUBLIKONG TUNAY o tinatawag din na Caravan ay dinesenyo ni Gob Tallado para sa pagpapaabot ng ibat ibang libreng serbisyo mula sa kapitolyo. Kinabibilangan ito ng medical and dental services, pamamahagi ng gamot at bitamina para sa mga bata hanggang sa matatanda, mayroon din ng libreng pamolati sa mga alagang hayop, mga pananim gaya ng gulay hanggang sa mga puno ng cacao. Atraksyon din at laging blockbuster sa Caravan ang mainit na goto at libreng gupit sa mga bata hanggang sa mga lolo at lola habang ang ibang kababaihan ay pumipila sa hair color, hot oil at hair trim. Habang maraming iba pang serbisyo ang dala dala ng Caravan na talagang humahataw sa buong taon dahil sa 282 barangays ang nililibot nito. 0922@Agnes_And_Ella (RadyoPIL) DAET CAMARINES NORTE (04 December 2017) -- Umaabot sa labing apat na styroboxes ng mga isdang dagat ang kinumpiska ng grupo ng Governors Task Force sa bahagi ng Brgy Minaugan Vinzons Camarines Norte.
Sa nakalap na impormasyon ng Radyo Pilipinas Camarines Norte ay sinasabi na pinagdududahan na ito umanoy ginamitan ng dinamita dahilan upang kumpiskahin. Ang pangalan ng mga nasa likod ng maling paraan ng pangingisdaa ay hindi pa isinasapubliko habang kumuha na ng sample ng isda ang Task Force para isailalim sa laboratory and confirmatory test. Sakaling mapatunayan na iligal na hinuli ang nasabing mga isda sa karagatan na sakop ng Calaguas Island ay may kakaharapin kaso kriminal ang mga taong nasa likod nito. Ang Pamahalaang Panlalawigan sa liderato ni Gob Egay Tallado ay pinaigting ang kampanya sa mga iligal na aktibidad na sumisira sa yamang kalikasan. @0922Agnes_And_Ella (RadyoPIL) DAET CAMARINES NORTE (01 December 2017) Nanguna sina Mayor Dra Eleamor Segundo at Councilor Ogot Guinto ng Vinzons sa pag welcome sa grupo ni Gob Egay Angeles, VG Jonah at Provincial Administrator Alvin Tallado sa pagdating ng mga ito sa Brgy Calangkawan Norte.
Ani ni Mayor Segundo sa ganitong mga serbisyo na ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ay damang dama ng kanyang mga constituents ang tooong pagkalinga at serbisyong publikong tunay. Sa mensahe ni Gob Egay Tallado ay masayang ibinalita nito ang magandang balita sa mga taga Vinzons tungkol sa alternatibong daan kung sila ay magtutungo sa bayan ng Daet. Sabi ng gobernador malapit ng maging passable ang daan sa Brgy Santa Elena Del Carmen at San Jose tuloy tuloy sa Brgy Bagasbas Daet. Sa ngayong tanging ang tulay na lamang ang hindi pa umano natatapos. Sa usapin naman ng mga proyekto sa barangay ay una na munang pinasalamatan ng gobernador ang masipag na si Punong Roberto Brgy Cada. Ani ng gobernador sa kalsada wala ng problema at tanging ang dalawang poste ng kanilang covered court ang to be finish pa at umasa umano ang mga residente na sa susunod na taon ay ipapatapos na ito ni Provincial Administrator Alvin Tallado dahil sa binigyang na niya ito ng instructions matapos na makita ng aktwal ang sitwasyon ng nasabing barangay covered court. Agnes_And_Ella@0922 (Radyo Pilipinas) DAET CAMARINES NORTE (21 November 2017) Nakatakdang ng ihatid sa kanilang huling hantungan bukas araw ng Miyerkules ang magkapatid na sina Jomel at James Sierra nag eedad anim at apat na taong gulang pawang biktima ng pagkakalunod sa bayan ng Mercedes Camarines Norte.
Ito ang kinumpirma ni Marilou Sierra ina ng mga biktima sa naging panayam ng Radyo Pilipinas Camarines Norte. Habang ang isa pa nitong anak na si Jasmine 9 na taong gulang ay agad na inilibing araw ng Sabado ilang oras matapos na matagpuan ang katawan nito sa karagatan na sakop ng Brgy Sula Vinzons Camarines Norte. Sinabi ni Nanay Marilou na labag man sa kanyang kalooban ay talagang kinailangan na agad na mailibing si Jasmine base sa abiso ng mga experto. Sina Jasmine, Jomel at James ay pawang nalunod sa isang trahedya noong araw ng Miyerkules sa bahagi ng karagatan na sakop ng Mercedes. Sa kwento ni Nanay Marilou siya dapat kasama siya ng kanyang asawa sa pagtungo sa Brgy Bac-tas Daet dahil may kukunin umanong gamit, subalit hindi siya nakasama dahil sa siya ay may miting. Sa halip ang kanilang bunsong anak na si James sa 8 magkakapatid ang sumama subalit ng makita ito nina Jasmine at Jomel ay humabol ito kayang sila ang naging magkakasama Galing Bad-as papauwi na sana ang mag aama ng masabat nito ang mapait na trahedya. Diumano’y sumadsad ang sasakyan ng mag aama matapos na maabutan ito ng hibas o low tide. Dito na raw nagdesisyon ang asawa ni Nanay Marilou na maglakad na lamang karga at hila ang mga anak sa ga-beywang na lalim ng putikan sa gitna ng pacatan. Sinasabing halos nasa tapat na umano ng Brgy Manguisoc ang mga ito ng mabuslo sa putikan kaya natumba at mabitawan ang mga bata at tuluyang magkahiwa-hiwalay ng i-agos ng tubig dagat ang bata na sinasabing hindi pa umano marunong lumangoy. --- Agnes_And_Ella@0922(Radyo Pilipinas) |
|