DAET CAMARINES NORTE (15 Nov 2017) -- Kinumpirma ni Caravan Director Boy Reyes na babalik bukas ang grupo ni Gov Egay A. Tallado at ang tropa ng Provincial Multi Services Caravan ay balik San Vicente para suyurin ang nalalabi pang mga barangay na hindi pa nabigyan ng libreng serbisyo.
Gaya ng mga gamot at konsulta ng doctor, ang bunot ng ngipin na ginagawa sa state of the art na sasakyan ng DOH-PHO na Dental Bus na habang nasa loob nito ay ang atmosphere ay malapribadong aircon clinic ng mga dentista Bahagi pa rin ng handog ng kapitolyo ay ang mga pagkain kabilang ang maini na logaw, cookies, mga tsinelas na laan sa mga batang estudyante at ang pamamahagi ng mga libreng pananim na punong kahoy at gulay. Ang Office of the Provincial Agriculturist o OPAG nagtuturo rin ng mga healthy recipe na ang ingrerdients o sangkap ay gulay Samantalang ang Provincial Veterinary o PROVET naman ay nagtuturo ng tamang pamamaraan ng pagpapamulati at gamot na para sa mga alagang hayop. Sa mga serbisyong nabanggit ang maswerting barangay na tutunguhin at pasasayahin ng CARAVAN o tinatawag din na APRUB KA EGAY SERBISYONG PUBLIKONG TUNAY ay ang Cabanbanan, Mang ogob at Silangan. Agnes_And_Ella@0922(Radyo Pilipinas) DAET CAMARINES NORTE (22 November 2017) Tuloy tuloy ang development sa Camarines Norte Provincial Hospital itoy ayon kay Provincial Health Officer ng Camarines Norte na si Dr. Arnulfo Salagoste.
Isa umano sa mga naka program sa budget ng CNPH ay ang Exapansion ng apat na wards ng nasabing pagamutan para sa susunod na taon. Ngayong taon umano ilan sa mga development dito ay ang kalinisan ng nasabing pagamutan. Maayos ang sitawasyon sa pagtatapon ng basura at halos walang makikita na kahit isang kalat sa bahagi ng likod ng CNPH. Sa ngayon umano ang collecting area ng basura ay nasa bahagi ng ginagawang bulding sa likod ng pagamutan at ang LGU Mercedes ang nagkokolekta ng basura. Dahil sa nagka problema umano sa may bahagi ng bibirao kayat nakipag usap siya sa alkalde ng Mercedes at sa kabatihang palad ay pumayag naman ang nasabing alkalde. Samantala isa ngayon sa mga ginagawan pa ng paraan ng CNPH ay ang paglobo ng bilang ng pasyente dahil sa wala itong tinatangihan na pasyente at kulang ang bed capacity. Ayon pa kay Dr. Salagoste , kahit umano may kakulangan sa kama ay nakikita nya na naiintindihan ito ng pasyente, sapagkat kahit siksikan ay malinis naman ang lugar. Ipinaabot rin ng Dr Salagoste sa mga taga Camarines Norte na kung sakaling may hindi magandang serbisyo sa mga kawani ng CNPH ay ipaabot sa kanyang tanggapan upang mas maging maayos pa ang pagseserbisyo ng CNPH. -- Radyo Pilipinas News Deck@ Agnes_And_Ella_0922 -- TALAKAYAN SA P.I.A. NAGSENTRO SA USAPIN NG KAHANDAAN NG PNP, BFP, DOH AT DPWH NGAYONG KAPASKUHAN11/22/2017 DAET CAMARINES NORTE (22 November 2017) -- Walong personalidad mula sa apat na ahensya ng pamahalaan ang nagkatipon tipon sa imbitasyon ni Information Center Manager Rose Manlangit ng Philippine Information Agency (PIA-Cam Sur)
Layunin nito ay ang malaman ang ginagawang paghahanda ng mga tanggapan ng DPWH, PNP, BFP at DOH CNPH sa nalalapit na kapaskuhan kung saan dagsa ang mga tao na nagpapaputok dahil ito ay bahagi ng Yuletide celebration. Ang Department of Health CN at Camarines Norte Provincial Hospital na pinamumunuan nina Dra Joy Iraula at Dr. Arnulfo Salagoste ay nagpadala ng kinatawan na sina Arriosto Flor, Gina Calivara (OPD Nurse II)Donna Nieva (HEPO II) at Filjohn Tychingco (ER-HEMS) Binigyang diin ni Arriosto Flor na ang kampanya kontra paputok o sa binansagan na Action Paputok Injury Reduction ay agad na sinisimulan sa unang araw pa lang ng Disyembre, tulad na lamang ng pagsasagawa ng Nurse Deployment Program (NDP) hanggang sa mga bara-barangay. Aktibo rin sila sa social media at ang pagsasagawa visitation sa mga tindahan ng paputok bago pa man sumapit ang New Year. Habang si Maam Donna Nieva ibinahagi naman nito ang pinalawak pang programa ng DOH na kung saan as early as third quarter ay umuusad na ang info drive sa mga paaralan hanggang sa barangay levels. Sa kabuuan ang DOH handa sa anumang eventualities habang ang DPWH, PNP at BFP ay may kanya kanya ring paghahanda ngayong holiday seasons.. -- Agnes_And_Ella@0922(Radyo Pilipinas)-- DAET CAMARINES NORTE (21 November 2017) Agad na tinugunan ni Mercedes Mayor Alex Lo Pajarillo ang pangangailanan ng pamilya Sierra matapos na masawi ang tatlong kapamilya matapos na malunod kasama ang ama sa karagatan ng Mercedes Camarines Norte.
Sa panayam kay MDRRMO Head Jude Hernandez ng Radyo Pilipinas Camarines Norte, kinumpirma nito na sinagot ng alkalde ng Mercedes ang bayarin sa pag embalsamo kina Jomel at James Sierra at inabutan rin ng sobre ang mga magulang nito. Sa ngayon ay all accounted for na ang mga biktima, sinamantala ni Mr Hernandes ang panayam sa kanyang ngt Radyo Pilipinas Camarines Norte na pasalamatan ang mga concerned agencies na naging katuwang ng MDRRMO at Coast Guard sa isinasawang SAR operation matapos na maipaabot sa kanilang ang ulat. ---- Agnes_And_Ella@0922(Radyo Pilipinas) --- |
|