REHISTRASYON SA MGA UNREGISTERED RADIO TRANCEIVERS SA LALAWIGAN, INIANUNCIO NG N.T.C. REGION V7/10/2017 DAET CAMARINES NORTE (10 July 2017) Ikinakasa na ngayong ang pagpaparehistro at licensing sa mga illegal radio transceivers sa Camarines Norte.
Nabatid ng Radyo ng Bayan Camarines Norte na may ilalaan na isang araw para sa rehistrasyon at paglilisensya ang National Telcomunnications Commision (NTC) na gagawin sa bayan ng Daet, partikular sa Casa T. Ilustrado Heritage Center. Ito ay magsisimula sa oras na alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon sa July 19, 2017. Ani ni NTC Regional Dir. Engr. Ariel H. Padilla layun ng kanilang hakbang ay upang maiwasan ang pag ooperate ng mga illegal o unregistered radio transceivers sa lalawigan, pagaari man ito ng mga pribado o pampublikong ahensya. Idinagdag pa ng opisyal na kasabay ng aktibidad ay magsasagawa rin sila ng regular examination ang NTC sa mga commercial at di commercial na radio operators. (RnB News Team) 0922 |
|