SURGICAL CARAVAN PATULOY SA MEDICAL SCREENING, AKTWAL NA OPERASYON KASADO NA SA SUSUNOD NA LINGGO6/29/2017 DAET CAMARINES NORTE (29 June 2017) Bukas araw ng Biyernes ang huling araw ng screening sa mga nagpalista pasyente na hangad na maoperahan ang kanilang bukol o iba pang iniindang karamdaman.
Kaugnay nito muli ang panawagan ni Dr Arnulfo Salagoste sa mga nagpalista na agahan ang pagtungo bukas habang doon naman sa mga hindi pa nagpalista subalit nangangailangan ng operasyon ay maari pa rin itong mag punta bukas sa CNPH para sa screening. Napag alaman mula sa hepe ng CNPH na ang aktwal na operasyon sa mga makakalusot sa screening ay simula sa araw ng Lunes July 3 hanggang July 7. Mga doctors mula sa kilalang hospital sa Metro Manila ay magsasagawa ng operasyon. Ang Surgical Caravan ay nabuo sa pagsisikap ng Panlalawigan Pagamutan at suporta ni Gob Egay Angeles Tallado na ang pinakalayunin ay matulungan ang mga Camnortenyo na nangangailangan ng atensyon medikal. (0922) |
|