TALAKAYAN SA P.I.A. DINALUHAN NG MGA EMPLEADO NG KAPITOLYO NA PWD’s KANILANG KARAPATAN IPINALIWANAG7/21/2017 DAET CAMARINES NORTE (21 July 2017) Naging makabuluhan ang isinagawang Talakayan sa PIA kaninang umaga na nagsentro sa pagdiriwang ng 39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week .
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing talakayan sa PIA ang mismong mga kawani ng pamahalaan panlalawigan na nasa sektor ng persons with disability. Natalakay sa pagtitipon ang mahahalagang usapin gaya na lamang ng benefits and priviledges of PWD’s batay sa umiiral na batas Ipinagpresenta rin ang mga nakalapaman sa Acta Republica 10524 at 10754 na nagbibigay diin sa karapatan ng mga may kapansanan na sila ay may makapagtrabaho sa govertment and private service, sapagkat laman ng nasabing batas na 1 percent ng total employees ay dapat na mailaan sa mga PWD’s Gayundin ang mas pang pinalawak na karapatan laan sa kanila. Samantala sa maikling menshae ni Persons with Disability Affairs Officer Dr Rex Bernardo ay sinabi nito na ang lalawigan ng Camarines Norte ay maikokonsidera na may aktibong pagkilos at pagprotekta sa karapatan ng mga kapwa niya may kapansanan. Ninanais din nito na tuluyan na silang mapabilang sa normal na mundo at hindi ang kinagisnan na, kapag may kapansanan ito ay hindi tanggap ng komunidad o iba ang nagiging pag trato. Umaasa din si Bernardo na magtutuloy tuloy ang pinasimulan nilang mga hakbangin patungkol sa karapatan ng mga nasa sektor ng Persons with Disability.(0922) |
|