RADYO PILIPINAS CAMARINES NORTE
  • Provincial News
  • National News
  • Live Broadcast
    • RP1
  • Weather
  • Multi Service Caravan Live Broadcast
Picture

Radyo Pilipinas
Camarines Norte


TATLONG BARANGAY SA MERCEDES SESERBISYUHAN NGAYONG ARAW NG MGA TAGA KAPITOLYO, ITO AY SA NAGPAPATULOY NA CARAVAN NI GOB. EGAY ANGELES TALLADO

7/6/2017

Comments

 
Picture
DAET CAMARINES NORTE (06 July 2017) – Ang grupo ni Governor Egay Angeles Tallado ay sa muli magbibigay ng totoo at garantisadong serbisyo sa pamamagitan ng Provincial Multi Service Caravan o ang binansagan na APRUB KA EGAY Serbisyo PublikongTunay.
Sa impormasyon na ipinaabot sa Radyo ng Bayan Camarines Norte ni Caravan Director Boy Reyes tatahakin nila ang mga munisiplaidad ng Mercedes na kung saan ang group A ay magtutungo sa covered court ng Brgy Cayococan ang team B ay dederecho ng Bgyy Manguisoc sa mismong covered court upang doon ihandog at iparamdam ang serbisyong walang bayad ng kapitolyo at ang huling grupo na Team C ay magseserbisyo naman sa mga taga Brgy Mambungalon.
Ang ganitong aktibidad na mismong dinadaluhan ng ama ng lalawigan governor egay angeles tallado kasama ang kasalukuyang provincial administrator alvin tallado sampu ng iba pang opisyal ng sangguniang panlalawigan ay may layunin na ilapit ang kapitolyo hanggang sa mga malalayong barangay ng probinsya.
Kabilang sa mga ipinagkakaloob na libreng serbisyo ay ang pamamahagi ng mga gamot, reading glass pananim na gulay at punong kahoy, mayroon din ng mga ipinamamahaging food pack na corned beef at iba pang delata bigas at noodles.
Handog rin nito ang libreng bunot na may libre pang gamot, medical check up na mismong si Dr Arnulfo Salagoste na siyang tagapamuno ng Camarines Norte Provincial Hospital CNPH ang nangunguna sa grupo ng mga mangagamot.
Kasama rin sa Caravan ang ilang expert sa batas mula sa Provincial Legal Office na ang obligasyon ay magpayo at mag paliwanag sa mga kababayang Camnortensyo na may problema ligal.
Samantala nabatid mula kay Governor Egay Angeles Tallado na tuloy tuloy ang serbisyong katulad nito hanggang sa pagtatapos na taon dahil ito ang kanyang commitment na kahit walang eleksyon ay nakikita at nararamdaman ng bawat Camnortenyo ang totoong serbisyo publiko. (0922)
Comments
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Join us
    Picture
    Test Broadcast
    Latest News http://radyopilipinascamnorte.weebly.com/ en-us Latest News http://radyopilipinascamnorte.weebly.com/

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Provincial News
  • National News
  • Live Broadcast
    • RP1
  • Weather
  • Multi Service Caravan Live Broadcast