Siniguro ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para makapagpatupad ng reporma nang mas mapaganda ang business climate sa Pilipinas.
Isa nga sa mga tinutulak ng NEDA, ang tinatawag na “single-window approach” kapalit ng mga single-stop shop sa pagpo-proseso ng mga business permit at business application. Paliwanag ni Pernia, sa ilalim ng single-window approach, sa iisang government representative o office nalang kakailanganing magpasa ng mga negosyo ng kanilang mga dokumento at ito na ang bahalang magproseso dito. Ito ang isa sa mga naiisip na tugon ng NEDA, matapos lumabas ang report ng World Bank na bumaba sa 113th place ang Pilipinas, mula sa dating 99th place ng ease of doing business kung saan lumalabas na pinakamahina ang bansa sa pagsisimula ng negosyo, ang pagpapatupad ng mga kontrata at ang pagpo-protekta sa mga minority investor. (Nimfa Asuncion) #RadyoPilipinas738 #RP1 #radyopilipinas1
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |