DAET CAMARINES NORTE (14 November 2017) Isang congratulatory note ang ipinaabot ng PNP Provincial Command kay Daet PNP Chief of Police Supt Wilmor Halamani.
Ito ay dahil na rin sa epektibong pagpapatupad ng batas trapiko sa downtown Daet nitong nakalipas na linggo. Ayon kay Police Supt Charles Abarca, kasalukuyang PNP PCR Chief, malaking pagbabago ang ipinatutupad ng Daet PNP sa usapin ng batas trapiko. Aniya sa pagluwag ng trapiko ay ibig sabihin lamang na nagtratrabaho ang kapulisan at maging ang LGU-Daet ay may political will. Sa ngayon kasi ay wala na ng “eye sore” sapagkat ang mga lugar na hindi dapat paradahan ay talagang hindi na pinaparadahan ngayon ng mga sasakyan at sa halip pawang sign board na may nakasulat na “no parking” ang nakapwesto. Kaugnay nito ay hiling lamang ng kapulisan ang kooperasyon ng mga motorista na huwag na silang magpasaway para hindi sila matiketan, at tuluyan ng maging magaan na ang daloy ng trapiko kahit rush hours. Maging ang kahabaan ng Vinzons Avenue na isang National Highway na dati ay punong puno ng mga naka park na sasakyan sa gilid ay malinis ng tingnan. Nagsisilbing paradahan ngayong ng mga sasakyan na nasa down town ay ang mga side street. Agnes_And_Ella@0922 (RP-Newsroom) DAET CAMARINES NORTE (14 Nov. 2017) Umabot sa bilang na 58 indibidwal mula sa ibat ibang panig ng Bicol Region ang pormal na nagtapos ng Basic Citizen Military Training (BCMT) Philippine Navy Reservist Class 04-17 dito sa lalawigan ng Camarines Norte na sponsored ng Pamahalaang Panlalawigan sa liderato ni Gov Egay Angeles Tallado. Sa panayam kay Nino Hilario, isa sa mga graduate ng 9 day training mahirap subalit magandang karanasan dahil challenging ang mga ipinagawa sa kanila na bahagi ng pinagdaraanan ng may hangarin na maging miyembro ng Philippine Navy. Ang nasabing bagong batch ng Navy reservist ay nagmula sa ibat ibang lalawigan ng Bicol Region, kabilang si Mayor Madelein Alfelor Gazmin ng Iriga City, bise alkalde ng lunsod ng Legazpi habang yung mula sa Camarines Norte ay kabilang si Provincial Administrator Alvin Baning Tallado at 15 iba pang kawani ng PGCN. Ito rin ang unang pagkakataon na naging host ang Camarines Norte Provincial Govertment na sa naging pagtatapos nila kamakalawa ay nag bigay ng maiksing mensahe si Admin Alvin Tallado na umaasa na hindi umano ito ang una at huling pagkakataon na magiging host ang PGCN, Umaasa rin ang batang opisyal na madagdagan pa ang bilang ng mga reservist na mula sa Hilagang Kamarines. Agnes_And_Ella@0922 (RP-Newsroom)DAET CAMARINES NORTE – Mainit na tinanggap ng mga residente ng Brgy San Isidro San Lorenzo Ruiz ang pagdating sa kanilang lugar sa unang pagkakataon ni Provincial Administrator Alvin Baning Tallado na siyang nanguna sa Provincial Multi Services Caravan nitong araw ng Biyernes nagtalikod na linggo.
Mula bata hanggang sa mga lolo at lola ang nasa barangay covered court para samantalahin ang mga libreng serbisyo hatid ng kapitolyo. Sa maiksing mensahe ni Admin Alvin Tallado ay kanyang ipinaabot ang mensahe ni Gob Egay sa mga senior citizens na may tatanggapin itong maagang regalo ngayong kapaskuhan. Ani ng opisyal sampung milyong piso ang inilaan ng provincial govertment sa mga senior citizens at sa 2018 ay tataas pa ito ng 10 milyon o kabuuang 20 million pesos ang pondo ng PSWDO. Samantala sa usapin naman ng natitirang limang kilometrong farm to market road na hiling ni Capt. Augorio Adorina at ng kanyang mga constituents ay positibong tinugunan ni Admin Alvin na asahan nila ang road concreting sa susunod na taon. Sa tatlong mga liblib na barangay na pinuntahan ng Provincial Multi Services Caravan nitong nakalipas na araw ng Biyernes sa bayan na nasasakupan ng Basud at San Lorenzo Ruiz ay kabuuan na 800 na households ang tumanggap ng kanya kanyang food packs at mahigit 2ng libing na kabuuang bilang ng residente ang nag samantala ng mga libreng serbisyo mula sa Pamahalaang Panlalawigan. Ang mga nasabing barangays ay ang Guinacutan sa Basud habang sa SLR ay ang San Isidro at San Ramon . Ang nasabing mga lugar ay halos na dulong bahagi nan g San Lorenzo Ruiz na halos ay naririnig na ang tilaok ng manok ng kalapit na lalawigan ng Camarines Sur. Subalit kahit may talagang kalayuan ang mga ito ay hindi naging balakid para kay Provincial Administrator Alvin Baning Tallado na makumusta at makita ng personal ang kalalagayan ng mga residente. (0922 )Agnes_and_Ella RP-Cnorte DAET CAMARINES NORTE (02 November 2017) Himala na maituturing ang pagkakaligtas ng isang mangingisda matapos na labing pitong oras na magpalutang lutang sa karagatan sa kasagsagan ng sama ng panahon sa bahagi ng lalawigan ng Camarines Norte.
Napag alaman ng Radyo Pilipinas- Camarines Norte na Oktubre 25 taong kasalukuyan ng magpalaot ang kinilalang si Genard Ofawon 48 years old kasama ang 12 kapwa mangingisda sa karagatan na sakop ng bayan ng Atimonan Quezon. Oktubre 27 diumano dahil sa sama ng panahon ay minabuti ng 13 mga mangingisda na gumilid para magpalipas ng sama ng panahon sa isla Vendita sa Sitio Sugod Brgy Banocboc Vinzons Camarines Norte. Oktubre 31 dahil sa pagnanais na makakuha ng makakain ang grupo ay lumayag sa karagatan ng nag iisa si Ofawon subalit inabot ito ng lakas ng ulan. Sa gitna ng karagatan nasalubong nito ang mga ga-kampanaryong taas ng alon na naging sanhi upang di na gumana ang makina ng Bangka at sa laki ng alon ay tumaob ang kanyang sinasakyan. Nagpalutang lutang si Ofawon ng umaga dumilim at muling lumiwanag hanggang sa ito ay ma rescue sa lugar na sakop ng Macolabo Island. Kaugnay nito nagbigay ng pinansyal na tulong si Paracale Municipal Councilor Amy Oco habang si Mayor Lourdes Briguera ay pamasahe sa bus ang ibinigay sa nasabing mangingisda. (0922) Agnes_and_Ella RP-Cnorte ClicDAET CAMARINES NORTE (02 November 2017) Kung ang bayan ng Labo ay may pitong mga pampubliko at pribadong sementeryo, ang Jose Panganiban may 4 na sementeryo, bayan ng Daet ay 5 naman doon sa malayong bayan ng Capalonga napag alaman na isa lamang pala ang kanilang sementeryo.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas CamNorte kay Capalonga MPS Chief of Police Senior Inspector Fernando Cedo sinabi nito na generally peaceful ang kanyang area of responsibility sa mga sandal na siya ay kinukunan ng panayam. Kaugnay ng Undas sinabi pa nito na mahigpit ang ipinatutupad ang pagbabantay sa mga pumapasok sa nag iisang sementeryo ng bayan. Bawal umano na ipasok ang mga nakakalasing na inumin, matatalas na kagamitan, gadget na malakas magpatugtog, baraha at mahigpit din ang tagubilin nila sa mga ito na bawal ang paninigarilyo sa loob ng sementeryo. Dito sa bayan ng Daet sa panayam naman kay Police Supt Wilmor Halamani COP ng Daet MPS iniulat nito na walang naging problema sa mga personnel dahil sa force multipliers na kasama sa pagbibigay ng seguridad sa ibat ibang sementeryo sa capital town na Daet. Ang command post ng kapulisan sa Daet PNP ay inilatag malapit sa Dept Ed Office sa bahagi ng F. Pimentel Avenue Sa Vinzons naman ay may dalawang sementeryo tag public at private. Sa panayam kay Senior Inspector Dino Ramos sinabi nito na maputik at ilang puntod ang halos malubog sa tubig. May mga kababayan rin umano na hinuli nila dahil sa pilit na ipinapasok ang mga inuming nakalalasing na mahigpit naman na ipinagbabawal. Sa kabuuan maikokonsidera na generally peaceful ang lalawigan ng Camarines Norte sa paggunita ng Undas. Maputik man at may pagbabadya ng ulan ay dagsa ang mga tao para dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay. At ngayong araw inaasahan ang pagtungo pa rin ng mga tao sa ibat ibang sementeryo para dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay. 0922 Agnes Andrade Ella (RP-CN)k here to edit. |
|