TALAKAYAN SA P.I.A. NAGSENTRO SA USAPIN NG KAHANDAAN NG PNP, BFP, DOH AT DPWH NGAYONG KAPASKUHAN11/22/2017 DAET CAMARINES NORTE (22 November 2017) -- Walong personalidad mula sa apat na ahensya ng pamahalaan ang nagkatipon tipon sa imbitasyon ni Information Center Manager Rose Manlangit ng Philippine Information Agency (PIA-Cam Sur)
Layunin nito ay ang malaman ang ginagawang paghahanda ng mga tanggapan ng DPWH, PNP, BFP at DOH CNPH sa nalalapit na kapaskuhan kung saan dagsa ang mga tao na nagpapaputok dahil ito ay bahagi ng Yuletide celebration. Ang Department of Health CN at Camarines Norte Provincial Hospital na pinamumunuan nina Dra Joy Iraula at Dr. Arnulfo Salagoste ay nagpadala ng kinatawan na sina Arriosto Flor, Gina Calivara (OPD Nurse II)Donna Nieva (HEPO II) at Filjohn Tychingco (ER-HEMS) Binigyang diin ni Arriosto Flor na ang kampanya kontra paputok o sa binansagan na Action Paputok Injury Reduction ay agad na sinisimulan sa unang araw pa lang ng Disyembre, tulad na lamang ng pagsasagawa ng Nurse Deployment Program (NDP) hanggang sa mga bara-barangay. Aktibo rin sila sa social media at ang pagsasagawa visitation sa mga tindahan ng paputok bago pa man sumapit ang New Year. Habang si Maam Donna Nieva ibinahagi naman nito ang pinalawak pang programa ng DOH na kung saan as early as third quarter ay umuusad na ang info drive sa mga paaralan hanggang sa barangay levels. Sa kabuuan ang DOH handa sa anumang eventualities habang ang DPWH, PNP at BFP ay may kanya kanya ring paghahanda ngayong holiday seasons.. -- Agnes_And_Ella@0922(Radyo Pilipinas)-- |
|